KITA KITA (I See You) Movie





Sampung bilang ng katotohanan na nakita sa pelikulang KITA KITA.

ISA.  Isa sa libong tao na makakasama natin ang magpapakita at mag paparamdam kung paano tayo dapat mahalin. Tiwala lang, bes.



DALAWA. Dalawang mata na minsan hindi nakakakita kahit may mali na. Bulag, di nakakakita, di nakakapansin, dahil sa iba nakatitig. Madalas makakakita lang kapag ang pag-ibig ay nawala na.

TATLO. Tatlo, Apat, Limang taon, wala talaga sa tagal ng isang relasyon, kapag hindi pa sya ready, hindi pa sya ready. Kapag hindi ka na mahal, hindi ka na mahal. Madalas lang talaga na may mga duwag na lolokohin ka pa, hindi na lang makipag hiwalay agad. Pisti. Be a Tonyo in this world full of Nobu. Pwede ba!

APAT. Apat na salitang di ko makakalimutan "Only time can tell." Tagos eh!

LIMA. Limang uri ng pagmamahal.
Pagmamahal na bulag (one unique character lang na nagustuhan mo, kahit ano pa sya tanggap mo na)
Pagmamahal na paasa (naniwala ka na sa sinabi nya, kalokohan lang pala.)
Pagmamahal na traydor (pinagpalit ka sa mukang pusa.)
Pagmamahal na bitin (ganun talaga, minsan hindi happy ending.)
Pagmamahal na wagas (oo meron nyan, magtagal man o hindi, ramdam mo na totoo yun, greatest love kumbaga.)




ANIM. Anim na patak ng ihi ang pipigilin mo, wag lang mawalay sa piling ng taong mahal mo.

PITO. Pito at higit pang tyaga at pasensya ang kailangan upang makapasok ka sa buhay ng taong gusto mo. May ilan kasi na hindi pa handang tumanggap ng bagong pag-ibig, baka galing sa heartbreak, tiis-tiis ng konti.


WALO. Walong tili at kilig para sa pag mamahal na matyagang nag papangiti. Witty is the new pogi. :)


SYAM. Syam ang buhay ng pusa, pero ng tao hindi. Pag may chance mag mahal, mag mahal na. Whatever love you can give, give it now. You can't promise tomorrow.

SAMPU. Sampung beses mo muna isipin, Magbilang ka muna ng mula isa hanggang sampu bago gumawa ng ano mang desisyon. Mag bilang bago magalit at mag salita. Maari ka kasing makasakit at hindi mo na mabawi. Word can hurt a soul more than you know.


Pag napanood mo na sigurado ko, on loop pakikingan mo ang kantang to:
https://www.youtube.com/watch?v=WS0lczCvD1I

Kita Kita Movie Review #KitaKita #KitaKitaReview #Empoy #Alessandra #VivaFilms #SpringFilms
Kita-Kita Movie Review




No comments:

Post a Comment

Your thoughts are important to me. You may leave one. Thank you.