Sampung bilang ng katotohanan na nakita sa pelikulang KITA KITA.
ISA. Isa sa libong tao na makakasama natin ang magpapakita at mag paparamdam kung paano tayo dapat mahalin. Tiwala lang, bes.
DALAWA. Dalawang mata na minsan hindi nakakakita kahit may mali na. Bulag, di nakakakita, di nakakapansin, dahil sa iba nakatitig. Madalas makakakita lang kapag ang pag-ibig ay nawala na.
TATLO. Tatlo, Apat, Limang taon, wala talaga sa tagal ng isang relasyon, kapag hindi pa sya ready, hindi pa sya ready. Kapag hindi ka na mahal, hindi ka na mahal. Madalas lang talaga na may mga duwag na lolokohin ka pa, hindi na lang makipag hiwalay agad. Pisti. Be a Tonyo in this world full of Nobu. Pwede ba!
APAT. Apat na salitang di ko makakalimutan "Only time can tell." Tagos eh!
LIMA. Limang uri ng pagmamahal.
Pagmamahal na bulag (one unique character lang na nagustuhan mo, kahit ano pa sya tanggap mo na)
Pagmamahal na paasa (naniwala ka na sa sinabi nya, kalokohan lang pala.)
Pagmamahal na traydor (pinagpalit ka sa mukang pusa.)
Pagmamahal na bitin (ganun talaga, minsan hindi happy ending.)
Pagmamahal na wagas (oo meron nyan, magtagal man o hindi, ramdam mo na totoo yun, greatest love kumbaga.)