BIRTHDAY FOODTRIP SA LILAC ST. MARIKINA






Bilang mahilig akong kumain. Bilang kaarawan ko at ng dalawa ko pang kaibigan na si Kevin at Gelo, Bilang bumisita dito sa Maynila ang kapatid ng super friend kong si Nissa na si Eric, naisipan kong yayain sila na mag foodtrip sa Marikina. Nag simula agad kaming mag research at mag plano. Akala ko hindi ulit matutuloy kasi medyo mahilig kami mag drawing  tipong taking Master's in Fine Arts haha! buti na lang naging mabait at masipag kaming lahat isang Sabado.. :)


Sabado ang napagkasunduan namin na araw at eto ang mga naplanong puntahan; PANDE AMERIKANA, FORGET ME NOT, COOKIE MUG AT CAFE LIDIA.  Apat na kainan sa loob lamang ng anim na oras. imagine. haha!







First stop: FORGET ME NOT

Cozy place, very vibrant aura, modern, malamig, nakaka-feel at home tsaka merong malakas na wifi. Iba-iba ang inorder namin para matikman as much as we can, ang nakakatawa lang eh walang nagawang tikiman kasi hindi namin namalayan ubos na pala yung nasa kanya-kanya naming plato, lalo yung kay Kevin (bully mode on :p )... pasta lang kasi..hehe. Satisfied kami sa lasa kagaya ng place, it taste cozy as well. They offer buffet set-up whenever nag po-promo sila.. May mga available na parking space para sa mga tsikot. It's a place for couple's date, barkada trip at family bonding. Budget: Php180. Next stop.


Buffalo Wings.